>Home
Trabaho Para Sa Mga Pilipino
Sa panahon ngayon, maraming mga Pilipino ang napapalihis ang landas para lamang kumita ng salapi na ipangtutustos sa pangaraw-araw na pangangailangan. Hindi ito maiiwasan sapagkat malaki ang kakulangan ng oportunidad o trabaho dito sa ating bansa. Isa ring dahilan ay sa mataas na kompetisyon sa industriya. Ang mas mahusay at ang mas mataas ang pinag-aralan ang siyang mas may tsansang matanggap sa trabaho kaysa sa hindi nakapagtapos o di kaya'y hindi nakapag-aral. Ito ang pinoproblema ng karamihan sa ating mga Pilipino sapagakat hindi lahat ay nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Ang kahirapan ay bunga ng kawalan ng trabaho ngunit masasabi ring kahit gaano kasimple ang hanapbuhay, basta may disiplina at tiyaga ang isang tao, siya'y mamumuhay ng masagana. Kung ihahalintulad mo ito sa isang magsasaka, sa kanyang pagtatanim ng iba't ibang prutas at gulay, maaari niya itong gawing pampuhunan o kaya'y pansariling benepisyo ng pamilya. Siya ay hindi maghihirap sapagakat sa kanyang trabahong pagtatanim, siya ay umaani ng palay, prutas at gulay na maaari nilang kainin sa pangaraw-araw. Siya ay may hanapbuhay na nagbibigay benepisyo na angkop sa kanilang pamumuhay.
Ang hanapbuhay na walang bahid na masamang adhikain ay makatutulong hindi lamang para sa pansariling kapakanan kundi pati na rin sa panlipunan. Marahil mahirap isipin papano gawing kawani ang milyun-milyong Pilipinong hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Kung ating iisiping, ang hanapbuhay ay hindi lamang nababase sa pagiging empleyado ng isang kumpanya o ng isang negosyo. Ito rin ay maibabatay sa pangaraw-araw na tungkulin na nakapagbibigay benepisyo sa ating pamumuhay maliban sa salapi.
Ang isang paraan na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng mas maraming trabaho para sa ating kapwa Pilipino ay ang paglaganap ng negosyo sa loob ng bansa. Sa pagdami ng negosyo, magkakaroon ng mas malaking pangangailangan ng empleyado at mas maraming Pilipino ang mabibigyan ng hanapbuhay.